Monday, December 30, 2013

Thinking of Times We Should Have Spent...

Gising pa din ako hanggang ngayon..
Ikaw ba naman matulog mag hapon
Hindi parin pala ko kumakaen. Imortal ampota.. Mamaya maya nalang
Tinatamad pa kong lumabas para kumaen...
Pag talaga nalulungkot ako lagi nalang akong nagkukulong sa kwarto
Its like I dont want any interaction from the outside world...
Kaharap ang laptop at cellphone
Sa kapangyarihan ng internet
Pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko mga pictures ni Jc..
Pag binabasa ko ulit mga txt nya from the beginning
Sumasaya ko.. Tapos malulungkot bigla dahil hindi ko na sya makakausap...
Gusto kong malaman kung anong iniisip nya..
Gusto kong malaman kung anong nararamdaman nya...
Hindi ko makalimutan yung last kong tawag sa kanya
Halatang nabadtrip sya narinig pa lang nya pangalan ko at binabaan ako ng phone
Ang sakit nun...
Sabi sakin pag talagang ayaw sayo ng lalake kahit na alam nyang gusto mo sya hinding hindi ka nya kakausapin at mababadtrip sya sayo...
Wag ka ng umasa na kakausapin ka pa nya
Bad shot ka na at hindi ka na existing sa kanya...
Pakiramdam ko tuloy napakasama ko...
Na parang ang sama sama ng ginawa ko sa kanya...
I feel so bad...
Pano naman tong stuff toy na to..
Maibibigay ko pa kaya sa kanya to?
Kung ipabigay ko nalang?
Pero pag nalaman nya na galing sakin sigurado mukhang basurahan ang bagsak nya...
Jc...
Im sorry...
Mag hintay daw ako na lumamig ulo nya? Kelan kaya mangyayari yun?
Kung mapatawad nya ko gusto pa rin kaya nya kong maging friend, if ever?
Hindi naman kasi ibig sabihin na napatawad na nya ko at nakalimutan na nya yung ginawa ko
Eh gusto nya pa din akong maging friend...
Eto sanang blog na to dito ko isusulat lahat ng mga oras na kasama ko sya...
Ngayon puro nalang iniisip ko tungkol sa kanya...
Wala ng story kung anong nangyari kasama sya...
Wala ng mga nakakatuwang moments...
Ngayon puro sakit nalang na nararamdaman ko...
Gusto kong ituloy parin tong blog na to
In the future kung sakaling maging friends ulit kami
Itutuloy ko parin to...
Minsan naisip ko pano kaya kung magkita ulit kami?
Magprepretend ba ko na hindi ko sya kilala?
Hihintayin ko bang ngumiti sya sakin?
Ngingiti ba ko o tititigan lang sya at maghihintay ng gagawin nya?
Ano kayang magiging reaction nya?
Bigla ba syang aalis?
Kakamustahin ba nya ko?
Titignan kaya nya ko ng masama?
Sabi sakin ni Meg wag ko daw pangunahan kung anong nararamdaman nya...
Pero pano nga kaya kung magkita ulit kami?
Ako ba ang dapat umalis?
Ako nalang ba ang dapat umiwas para malaman nya na inilalayo ko sarili ko sa kanya para maisip nya na ayokong magalit sya lalo sakin?
Hindi ko malalaman kung anong mangyayari hanggat wala ako don...
Kung ano man gawin nya tatanggapin ko nalang...
Gusto ko na syang makita...
Gusto ko na syang makausap...
Gusto ko syang makasama...

No comments:

Post a Comment