Tuesday, December 31, 2013

New Years Eve

Malungkot ang simula ng week na to para sakin...
Bakit?
May iba pa bang dahilan?
Sya ang iniisip ko...
At mukhang hindi pa nga sya maaalis sa utak ko hanggang ngayon...
Hindi naman kami at lalong hindi naman nya ko nagustuhan kahit konti
Pero ako hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit ganito...
Sabi sakin ni Meg dahil sa hindi ko nakuha gusto ko...
Ang gusto ko lang naman mapalapit kay Jc... Yun lang naman ang gusto ko...
Pero ngayon ang gusto ko makita at makausap sya..
Hindi ko alam kung itetxt ko pa ba sya ng Happy New Year o tanggapin ko nalang na kelangan ko ng tumigil... Alam ko naman kung anong gagawin ko pero ayoko lang gawin...
Hindi naman ako masaya na nandito ko sa ganitong sitwasyon...
Umaasa parin ako na tong blog na to madudugtungan ng tungkol sa kanya...
Pero mukhang malabo na nga to...
Pinaalala ulit sakin ni Meg na sasamahan nila ko na hanapin sya sa Saturday or technically Sunday na yun baka kasi madaling araw na kami maghanap...
Pano pag nakita nya ko?
Baka bigla syang tumakbo... Kinakabahan ako...
Hindi ko alam kung anong gagawin ko
Pag tumakbo sya, tatakbo din ba ko para habulin sya?
O tatayo lang ako at hindi gagalaw...
Pag nagalit sya sa harap ko mismo?
Anong gagawin ko?
Wala naman akong ibang masasabi kundi sorry at tanong kung bakit galit na galit sya sakin...
Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko...
Minsan naiisip ko na hindi naman mali yung ginawa ko...
Na wala namang masama sa ginawa ko...
Pero mali parin ginawa ko...
Sana kung magkita kami this weekend... Sana kausapin nya ko...
Sana hindi na ulit mangyari to...
Ayokong mawala pa sya ulit...

No comments:

Post a Comment