Tuesday, December 31, 2013

New Years Eve

Malungkot ang simula ng week na to para sakin...
Bakit?
May iba pa bang dahilan?
Sya ang iniisip ko...
At mukhang hindi pa nga sya maaalis sa utak ko hanggang ngayon...
Hindi naman kami at lalong hindi naman nya ko nagustuhan kahit konti
Pero ako hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit ganito...
Sabi sakin ni Meg dahil sa hindi ko nakuha gusto ko...
Ang gusto ko lang naman mapalapit kay Jc... Yun lang naman ang gusto ko...
Pero ngayon ang gusto ko makita at makausap sya..
Hindi ko alam kung itetxt ko pa ba sya ng Happy New Year o tanggapin ko nalang na kelangan ko ng tumigil... Alam ko naman kung anong gagawin ko pero ayoko lang gawin...
Hindi naman ako masaya na nandito ko sa ganitong sitwasyon...
Umaasa parin ako na tong blog na to madudugtungan ng tungkol sa kanya...
Pero mukhang malabo na nga to...
Pinaalala ulit sakin ni Meg na sasamahan nila ko na hanapin sya sa Saturday or technically Sunday na yun baka kasi madaling araw na kami maghanap...
Pano pag nakita nya ko?
Baka bigla syang tumakbo... Kinakabahan ako...
Hindi ko alam kung anong gagawin ko
Pag tumakbo sya, tatakbo din ba ko para habulin sya?
O tatayo lang ako at hindi gagalaw...
Pag nagalit sya sa harap ko mismo?
Anong gagawin ko?
Wala naman akong ibang masasabi kundi sorry at tanong kung bakit galit na galit sya sakin...
Hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko...
Minsan naiisip ko na hindi naman mali yung ginawa ko...
Na wala namang masama sa ginawa ko...
Pero mali parin ginawa ko...
Sana kung magkita kami this weekend... Sana kausapin nya ko...
Sana hindi na ulit mangyari to...
Ayokong mawala pa sya ulit...

Monday, December 30, 2013

Thinking of Times We Should Have Spent...

Gising pa din ako hanggang ngayon..
Ikaw ba naman matulog mag hapon
Hindi parin pala ko kumakaen. Imortal ampota.. Mamaya maya nalang
Tinatamad pa kong lumabas para kumaen...
Pag talaga nalulungkot ako lagi nalang akong nagkukulong sa kwarto
Its like I dont want any interaction from the outside world...
Kaharap ang laptop at cellphone
Sa kapangyarihan ng internet
Pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko mga pictures ni Jc..
Pag binabasa ko ulit mga txt nya from the beginning
Sumasaya ko.. Tapos malulungkot bigla dahil hindi ko na sya makakausap...
Gusto kong malaman kung anong iniisip nya..
Gusto kong malaman kung anong nararamdaman nya...
Hindi ko makalimutan yung last kong tawag sa kanya
Halatang nabadtrip sya narinig pa lang nya pangalan ko at binabaan ako ng phone
Ang sakit nun...
Sabi sakin pag talagang ayaw sayo ng lalake kahit na alam nyang gusto mo sya hinding hindi ka nya kakausapin at mababadtrip sya sayo...
Wag ka ng umasa na kakausapin ka pa nya
Bad shot ka na at hindi ka na existing sa kanya...
Pakiramdam ko tuloy napakasama ko...
Na parang ang sama sama ng ginawa ko sa kanya...
I feel so bad...
Pano naman tong stuff toy na to..
Maibibigay ko pa kaya sa kanya to?
Kung ipabigay ko nalang?
Pero pag nalaman nya na galing sakin sigurado mukhang basurahan ang bagsak nya...
Jc...
Im sorry...
Mag hintay daw ako na lumamig ulo nya? Kelan kaya mangyayari yun?
Kung mapatawad nya ko gusto pa rin kaya nya kong maging friend, if ever?
Hindi naman kasi ibig sabihin na napatawad na nya ko at nakalimutan na nya yung ginawa ko
Eh gusto nya pa din akong maging friend...
Eto sanang blog na to dito ko isusulat lahat ng mga oras na kasama ko sya...
Ngayon puro nalang iniisip ko tungkol sa kanya...
Wala ng story kung anong nangyari kasama sya...
Wala ng mga nakakatuwang moments...
Ngayon puro sakit nalang na nararamdaman ko...
Gusto kong ituloy parin tong blog na to
In the future kung sakaling maging friends ulit kami
Itutuloy ko parin to...
Minsan naisip ko pano kaya kung magkita ulit kami?
Magprepretend ba ko na hindi ko sya kilala?
Hihintayin ko bang ngumiti sya sakin?
Ngingiti ba ko o tititigan lang sya at maghihintay ng gagawin nya?
Ano kayang magiging reaction nya?
Bigla ba syang aalis?
Kakamustahin ba nya ko?
Titignan kaya nya ko ng masama?
Sabi sakin ni Meg wag ko daw pangunahan kung anong nararamdaman nya...
Pero pano nga kaya kung magkita ulit kami?
Ako ba ang dapat umalis?
Ako nalang ba ang dapat umiwas para malaman nya na inilalayo ko sarili ko sa kanya para maisip nya na ayokong magalit sya lalo sakin?
Hindi ko malalaman kung anong mangyayari hanggat wala ako don...
Kung ano man gawin nya tatanggapin ko nalang...
Gusto ko na syang makita...
Gusto ko na syang makausap...
Gusto ko syang makasama...

Sorry and Thank You!

Nakakatuwang iedit tong blog na to..
Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na iedit
Lagi ko din kasi nakakalimutan
Lahat ng pictures dito hindi sakin
Kung sino ka man na kinuhanan ko ng pictures na to
Pasensya na at sorry at MARAMING MARAMING SALAMAT sa pictures!
Kahit wala akong paalam..
Wala kasi akong makuhanan ng pictures ni Jc...
Naging masaya din ako ng makita ko tong mga pictures nya...


Thank you!

Picture, Picture, ohh... What A Beautiful Face.. Bigla kang Nawala...

Tulog na naman ako maghapon ngayong araw na to..
Pati kagabi tulog din at nakalimutan ko ng kumain..
Wala din akong gana.. Baka maya maya magutom na din ako..

Nang malaman ko kung ano talaga totoong fb ni Jc na hindi naman talaga deactivated
Inadd ko mga friends nya.. Mostly sa mga na add ko taga Sykes... Meron din taga NCO...
Shit I remember nung April 2012 yung kasabay ko mag apply inaya ako mag apply sa Sykes
Pero ayoko.. Sana pala nag apply na din ako noon don edi sana nag karoon ng chance na makilala ko sya...

Anyway going back...

Inaccept agad nung 2 friends nya yung friend request ko...
Isang taga NCO at isang taga Sykes...

Una muna yung taga NCO

Chineck ko yung mga albums nya
Nung may nakita kong title na Team Building, naisipan ko tignan
Andun si Jc.. That was way back 2009
Hindi pa sya nakadreadlocks nun
At ang haba ng buhok nya, manipis nga, yun din sinabi nya sakin...
Ang dami ng pictures at meron yung mga nakakatawa itsura nya
Medyo gumaan pakiramdam ko ng makita ko mga pictures nya

Next naman yung taga Sykes
Ang daming pictures ni Jc dun
Ang dami ding albums
Pero ang nakita ko lang yung nasa Sagada, Bicol, Laguna, Mt. Batulao, at Calatagan
Sobrang dami oa siguro nun
Nakakatuwa ding yung mga pictures nya dun
Pati yung ngiti nya...
Way back 2012 naman yun
May pictures sya na hindi pa nakadreadlocks
Parang dun  pa ata sya nag celebrate ng birthday nya
Kasi may isang picture na may cupcakes and candles nasa harap nya
Not sure kung dun nga sya nag celebrate ng birthday nya o trip lang nila
Pero tinignan ko kasi yung date, January 23, 2012
Sabi nya sakin January 21, daw birthday nya...

Naisipan ko din na ano kaya kung dun ko nalang sya batiin ng Happy Birthday sa fb nya
Kaso baka lalo lang syang matakot sakin at iblock pa nya ko
Kasi pano ko nalaman na sya yun
Iba name at wala pang picture nya
Ayoko naman na syang itxt para di sya lalong mabadtrip...
Hay di ko na alam gagawin ko para macontact sya...
Dapat lang na tumigil na ko at makontento nalang sa pictures nya...
Sad...........

I Thought I Was Okay?!

last november hanap ako ng hanap sa fb ni jc.. 
lahat na ng name combination hinanap ko na.. 
pero wala di ko parin makita.. 
until nakita ko yung isang profile na may mutual friend na taga sykes.. 
syempre call center yun kaya naisip ko baka sya yun.. pero hindi sya yun.. 
sinabi nya sakin nung magkasama kami dati.. hay.. pero nung time na yun.. last november.. etong isa pang profile na to, iba name.. at may profile picture na nakadreads pakiramdam ko sya to.. pero last december 2012 pa yung last update na public.. naisip kong sya to.. pero hinayaan ko nalang.. wala naman kasing picture nya.. until this day.. na naisipan ko na hanapin ulit sya sa fb.. kahit na sinabi nyang deactivated fb nya.. hindi ko din alam.. pero kahit yung unang profile na nakita ko na kapangalan nya at mutual friend yung verizon, kahit alam ko na hindi naman sya yun, naisipan kong iview.. wala lang.. tinignan ko yung pictures.. and i was horrified ng makita ko picture nya.. yep.. pictures ni jc.. hindi ko maexplain yung naramdaman ko ng makita yung profile nya.. lalo na yung picture na nakangiti sya.. yung smile nya na patay na patay ako pag nakikita.. ang keso leche.. 3 pictures yung nakita ko na nakatag dun sa profile na hindi naman sya.. nagtaka din ako na bat hindi ko nakita to dati pa.. gamit ko phone ko ngayon.. nung naghanap ako ng fb nya gamit ko pa pc ko kaya dapat nakita ko na to noon pa.. nung nag click ako sa isang picture at tinignan ko yung mga nakatag, may nabasa akong comment.. tinag nila yung totoong fb ni jc.. at nakita ko ulit yung fb na may profile picture na drawing na nakadreadlocks.. yung profile na iniisip ko na sya.. pero di ko inadd.. may hinala ako na yung girl na kasama nya dun sa picture, yun yung apple of the eye nya o special someone.. nasaktan ako dun.. akala ko pa naman ok lang ako.. hindi pala.. akala ko pagod na kong mag isip sa kanya.. tapos tinignan ko yung profile picture na nakadreadlocks.. nakita ko mga comment.. at tawag sa kanya jc.. sya nga yun.. di ako nagkamali.. plano ko pa naman na hanapin sya sa ugong sa saturday kahit mukha na lalo akong stupid sa gagawin ko.. hindi kasi sya sumasagot sa call ko nung nagpunta kami don.. kaya ngayon ng matahimik na ko gusto ko na syang hanapin.. super effort na di ba.. daig pa girlfriend.. gusto ko mag sorry at humingi ng pasensya sa ginawa ko.. gusto kong marinig sa kanya kung di na ba nya ko talaga mapapatawad at wala ng pag asa kahit kelan na maging friends pa kami.. minsan naisip ko na kidnapin na sya para kausapin nya lang ako.. alam ko masama yun.. at alam ko magagalit sya ng sobra sakin.. kaya hahanapin ko nalang sya.. mas gugustuhin ko pang mareject ng harap harapan kesa ganito na di ako matahimik.. kung sakaling malaman ko san sya nakatira dun kahit na iignore nya ko.. kahit magmukha kong tanga sa harap ng bahay nila.. basta may dala kong gitara ok na kahit mag hintay mag damag.. hanggat kaya ko.. hanggat di ako sinusumpong ng sakit ko...

Im not one to complain.. I take one step away...

naiinspire akong gumawa ng isa pang kanta para sa kanya..
 hindi ko na alam kung ano pang exit plan ang gagawin ko..
ayoko naman takasan to dahil alam kong di ko pa kaya..
at babalik balikan ko din dahil di pa ko ready mag let go
kahit na wala namang rason para magkaganito pa..



"if i could only find a way to move forward without looking back
staring at the broken glass
thinking if i can use it to cut everything at once
warm smoke from my cigarette escaping my lungs
but my heart remains frozen
my mind is still stuck with your smile
memories are hanging by a chain
waiting for me to pull it out and follow the way out
it seems that time isnt passing but days are moving so fast
can i just pretend and go on like all of these never happened."

If I Had Any Other Heart Beside My Own...

eto na naman..
iniisip ko na tumingin sa iba..
iniisip ko na kung ibaling ko sa ibang tao yung atensyon ko..
yung tipong panakip butas yung dating kahit masama yun..
parang di ko kaya..
pag naiisip ko na hindi si jc..
na pag naiimagine ko yung mga gusto ko sanang mangyari..
tapos hindi sya yung kasama ko..
biglang naghohold back ako na "NO" i cant.. gusto ko sya.. sya lang..
gusto ko sya yung kasama ko uminom.. pumunta sa gig..
gusto ko syang isama pag nag skate ako..
naiimagine ko pa na paunahan kami magpatakbo ng skateboard.. nagtatawanan..
gusto kong tugtugin sa harap nya yung sinulat kong kanta.. mag gigitara ako.. kakantahan sya.. tapos tatawanan nya ko kase corny.. haha
tapos naiimagine ko din yung first plan ko na gusto kong pumunta kami sa manila bay.. kakaen kami dun.. tapos sunset.. tapos dala ko digicam ko.. pipicturan ko yung sunset.. tapos may mga batang naglalaro sa likod namin.. tapos pipicturan ko sya.. syempre kunwari parang nahihiya sya kaya magkukulitan kami..
maghaharutan ng very light.. at puro stolen shots yung picture nya.. masaya kami habang nag uusap na parang wala ng bukas sa haba ng kwentuhan namin.. hindi narin ako mahihiya na kasama sya kaya madaldal narin ako.. tapos mag yoyosi kami sya mag sisindi ng yosi ko.. tapos pag medyo gabi na nakasandal lang ako sa balikat nya.. sya naman kwento ng kwento.. ako nakikinig ng tahimik.. ang gara ng imagination ko.. kumpleto! tapos naisip ko pa na gusto kong pumunta ng star city kasama sya sasakay kami sa lahat ng rides dun.. naisip ko din na gusto kong mag punta ng batangas kasama sya.. sa may beach.. yung madaling araw yung medyo paumaga na para hindi malamig yung tubig.. dun lang kami sa shore.. hinihintay yung sunrise.. naimagine ko na sya naman nag gigitara at kumakanta.. vocalist din naman sya ng banda dati kaya sigurado maganda boses nya.. gagawa din kami ng sand castle.. tapos sisirain nya yung sand castle ko kasi bully sya haha tapos babatuhin ko sya ng seaweeds at masaya kami.. nagtatawanan.. pag gabi na pupunta kami ng bar na reggae yung tumutugtog na banda sabay fire.. sobrang saya namin.. tabi kaming matutulog.. bukas yung bintana sa hotel kaya ramdam mo yung sea breeze.. medyo close na kami nun kaya tabi kami matulog.. tapos pagkagising ko yung mukha nya una kong makikita at matutulog ulit ako.. pag nagising ulit ako wala na sya sa kama at may breakfast in bed na.. hinihintay nya lang ako magising para ssbay kami kumain.. pero lahat ng imagination na to hinding hindi mangyayari.. at hinding hindi na mangyayari..


~i only wish i could turn back time when i was wrong.. and this is something i will keep so ill remember..

yesterday once more.. "its breaking my heart"

at ngayon hanggang panghihinayang nalang ako.. sinayang ko lahat at daig ko pa iniwan ng syota kung mag emote at naghabol sa kanya.. pero ayoko parin tumigil.. ang kulit ko..
naalala ko lang yung tinawagan ko sya..
tanda ko december 12 yun..
nun kasing madaling araw nun kasi nga night shift ako
tinext ko sya kung gusto nyang magbreakfast or coffee.. kahit hindi ako mahilig sa coffee
kaya ko sya inaya dahil gusto kong itanong kung naiirita sya sakin.. para kasi umiiwas sya.. ewan ko paranoid kasi ako eh.. takot na takot na mawala sya. parang akin no? hindi naman..
ang kaso hindi sya nagreply..
hindi rin ako kumaen..
usually kasi may team breakfast kami lagi sa mcdo..
that time ako naman nakatunganga sa cellphone
naghihintay ng txt nya
pinatxt ko pa kay meg kase baka di nya nareceive kunwari wala na kong load..
pero hanggang sa matapos silang kumaen wala parin syang reply..
nalungkot tuloy ako.. frustrated.. pakiramdam ko todo ignore sya sakin.. tanong ko na naman sa sarili ko, ganun ba ko kasagwa?
umuwi na ko agad nun kasi badtrip..
pag uwi ko maya maya nagtxt sya.. syempre sumaya na naman ako!
nakatulog daw sya pasensya na daw..
nagtaka tuloy ako kasi alam ko parehas kaming night shift
nag expire na load ko nun kaya nag load ulit ako at tinawagan sya..
kinumusta ko lang sya
at yun pasensya na daw kase nasa bahay lang sya
kakauwi nya lang the other day galing sya ng baler..
but nung weekend nasa batangas sya, mahilig kasi umakyat ng bundok yun..
yun pala since monday hindi na sya pumapasok sa cvg
ayaw na daw nya
gusto kasi nya back office
parehas kami ng trip back office pero ok din sakin chat kasi galing na ko dun..
ayun konting kwentuhan..
niyaya ko pa sya sa gig sa saturday kase metal bands andun.. metalista eh haha
sabi ko pa birthday ko yun.. 
sabi nya di daw sya sure..
baka daw kasi mag inuman sila.. sabi ko txt nya nalang ako..
tas yun napagusapan namin yung sa free net sa opera mini kasi meron ako nun
ayaw mag work sa kanya
so after namin mag usap sinend ko sa kanya yung opera mini na gamit ko pati settings
sa gmail nga lang kasi di sya gumagamit ng fb..
tas nag good night na ko nun.. antok na ko saka wala na din akong masabi.. medyo madami naman kami napagusapan.. tulad ng pc ko na laging sira. problema kasi hard disk lagi naghahang.. pati kadramahan ko.. may accent pa talaga nung sinabi nyang drama. kasi yung lungkot daw drama lang. eto kaseng taong to feel good lagi gusto.. tinanong ko pa kung nakukulitan na ba sya sakin, sabi nya hindi naman.. tinanong ko pano sya makulitan at magalit.. di daw nya alam kasi hindi naman daw sya nagagalit pero ngayon putangna galit sya sakin at hindi na nya ko kakausapin habang buhay tangina talaga gago ko talaga sana maibalik ko yung mga nangyari.. sana hindi na ko lumabas ng bahay.. sana hindi ko na naisipan na tawagan sya sana hindi ko alam number nya sana hindi na ganito nangyari.............

Friday, December 27, 2013

Ohh... Di ko kayang tanggapin!!!

Until now hindi parin ako makapaniwala na hindi na sya talaga makikipag usap sakin dahil sa ginawa ko...
kelan ko kaya matatanggap to? bat hanggang ngayon hindi parin ako matahimik?
o baka ayaw ko lang talaga patahimikin sarili ko...
minsan naiisip ko, hindi lang pala minsan.. lagi..
na sana kausapin na nya ko yung bigla syang magtxt ng "Hey what's up?"
pero hindi na mangyayari yun..
ako na talaga si nega.. pero mas gugustuhin ko ng maging nega kesa isipin na mangyayari yun
kahit iniisip ko naman talaga yun nga lang sabay bawi ng hindi mangyayari yun at tigilan mo na yan drama mo
lecherous naman talaga.. akala ko magiging ok lang ang lahat hindi ko naman akalain na mangyayari to eh..
tinext ko pa sya nung christmas ng happy holidays pero hindi sya nagreply..
alam ko naman na hindi sya magrereply.. sino ba naman ako?
isa lang akong batang babae na stalkerish..
isang batang babae na feelingera at may gusto sa kanya.. self pity ampota..
bago matulog, pagkagising, sa lahat ng ginagawa ko
puro nalang JC, JC, JC, JC, JC Taverna.. pati panaginip JC Taverna din eh..
kasalanan ko to.. at wala na kong ginawa kundi sisihin ang sarili ko at isipin na pano kaya kung hindi nangyari to? ano na kaya? kung hindi nangyari yun magkasama kaya kami bukas? cause its saturday?
bakit kaya ayaw na ayaw nya sakin... nagtanong pa ko??
pero kasi hindi ko lang talaga matanggap na dahil don hinding hindi na nya ko kakausapin habang buhay..
naiisip ko din na gusto kong maghanap ng back office dahil yun yung gusto nya
baka sakaling magkita ulit kami at pag nangyari yun kahit ipahiya nya ko hahabulin ko sya para lang makausap kung kelangan na makipagtulungan sa mga tambay sa kanto para makausap sya gagawin ko
hinding hindi ko sya papakawalan hanggat di nya ko kinakausap
pero kahit ganito ko kadesidido kung puro imagination nalang wala din mangyayari.. masasaktan ko lang lalo sarili ko.. pero.. bakit.. pano.. kung.. lagi nalang ganito
hindi na ko makabuo ng matinong sentence dahil isa lang ang gusto ko...
ang kausapin nya ko at kung pwede lang sana na kalimutan na nya kung ano man yung nagawa ko..
hay.. hanggang type nalang lahat ng nararamdaman ko..
pero nakakatulong naman sya.. pati sa twitter ko puro sya nalang.. at alam ko nakakabawas din naman sa bigat na nararamdaman ko.. pero nanghihinayang talaga ko.. kung pwede ko lang ibalik yung oras.. sayang.. sana may isa pa kong chance.. sana.......

help me remember to forget i want to forget...

so ngayon eto yung gusto kong ilagay sa blog ko about jc taverna.. yung unang araw na nakita ko sya sa robinsons equitable tower, which is cvg's training hub.. 2nd week na namin ng pst and it was october 28.. around 1:30pm nung dumating ako nun.. paglabas ko ng elevator nakasalubong ko sya, along with the other trainees.. pansin na pansin ko agad sya dahil nakadreadlocks sya at ang amo pa ng mukha tas bagay sa kanya yung corporate attire.. hehe di ko pa sya ganong pansin nun pero nakakatawag sya ng attention.. madalas ko syang makasalubong at parang naaattrack na din ako somehow though i was thinking na he's younger than me so i really dont pay much attention.. una kong napansin yung nakachucks sya along with the corporate attire so ginaya ko na hahaha kase hindi ako comfortable sa doll shoes.. pwede naman pala ganun.. parehas pa kami ng kulay ng chucks yun nga lang low cut yung saken.. tas nun medyo tumagal tagal na parang lalo akong naattract i just found myself na sinusundan ko na pala sya.. na nagmamadali pa kong makahabol sa elevator para lang makasabay sya at makita sya.. haha lande ampota.. tapos that time medyo umiiwas na ko mag yosi kase lagi akong may ubo.. pero dahil gusto ko syang makita nauuna pa kong lumabas ng room pag break namin.. kala ko pa nga nung una sa 26th floor sila at kumukuha lang sila ng pass sa guard sa 27th kasi bihira ko syang makita dun.. anyway dahil sa 27th floor sila bumaba sinundan ko sya at nalaman ko san training room nila.. sa training room 6 kami at sa 5 naman sila.. ayun lagi na kong nagyoyosi malapit sa kanya kahit madalas na nakatalikod sya sakin syempre gumagawa ko ng way para makita sya.. haha meron pa ngang isang time na natitigan ko talagang mabuti mukha nya dahil sa wala naglalakad ako at nakatingin sya sa direction ko, di ko nga lang alam kung nakatingin sya sakin, yun yung day na nasunog galleria.. kung nakatingin sya sakin juskopo nakakahiya dahil yung liptint ko its really a mess ohmygod.. haha anyway ayun lagi ko lang syang sinusundan nakatingin sa kanya secretly kasi isa sya sa inspiration ko na pumasok dahil medyo tinatamad na ko pumasok.. inaagahan ko para makita ko sya.. at pag uwian na hinihintay pa namin sila sa smoking area.. pag umalis na sila yung medyo malayo saka ko sya susundan kaso masyadong maraming tao at para syang bula, biglang nawawala o talagang mabilis lang syang maglakad.. at ang iniisip ko sa malapit lang sya nakatira kase maaga syang pumapasok and ang bilis nya mawala.. its either dun sya sumasakay sa south bound ng edsa o dun sya sa jeep pa rosario o yung pa greenhills.. yun kasing wavemate nya madalas kong kasabay sa bus, kung sumasakay sila ng bus edi sana sabay sila di ba? haha ako na stalker.. tapos ang mahirap pa pag kasabay ko sya sa elevator nahihirapan akong tignan id nya kasi laging nakatago i mean yung part na may name nakatalikod.. basta yon gets na yan.. at baliw na baliw na din ako sa kanya, actually nalaman ko na time warner sila dahil sa trainer ko, so dun sa sharepoint hanap naman ako ng lahat ng trainee.. yung mga new hires, sinulat ko lahat ng name at hinanap ko sa fb kaso wala akong nakita na kamukha nya.. dreadlocks pa tawag ko sa kanya.. at yung kasama ko tinatawag syang rapunzel, banas na banas ako dahil hindi sya rapunzel no.. hmp. dreadlocks nga eh.. akala ko pa nga 19yrs old lang sya and baka extension lang yung dreadlocks nya.. hmm.. natutuwa ako pag naaalala ko to.. kahit konting memories lang.. wag ko lang talaga maisip na hindi na nya ko kakausapin kahit kelan kahit na naisip ko na ngayon.. huhuhuhu its my fault..

Monday, December 23, 2013

Im running in circles, I have to let go... Cant believe Im saying this...

hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy tong blog na to..
nawala na lahat dahil sakin..
ayoko ng isipin kung ano pa yung mga nangyari
pero dahil nalulungkot talaga ko eto na naman..

bakit nga ba nawala na? ang bilis di ba?
maliban sa hindi maganda standing ko sa trabaho at may topak na naman pc ko
buti at nahiram ko laptop ni ermat
eto at malungkot pa ko
pag take in nalang ng calls yung nagiging escape ko sa mga nangyayari..
pag avail parang yung luha ko unlimited dahil sa sobrang pag sisi ko sa sarili ko
kasalanan ko kasi to eh
pero hindi ko naman maitama
ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ng personal na sorry..
ayaw nga nya kong kausapin..
nung tumawag ako
kakasabi ko palang ng name ko binaba nya agad yung phone at hindi na sinagot tawag ko
kahit siguro hindi nya ko patawarin basta basta lang sabihin nya na hinding hindi na nya ko kakausapin kahit kelan.. hindi ko alam na ganito sya ka harsh.. ayokong maniwala pero yun yung sabi nila
ayoko magalit sa kanya at hindi ko rin naman magawa..
hindi ko nga maramdam na galit ako sa kanya..

sa ngayon mas ok na ko
yun nga lang hindi ko alam kung hanggang kelan
wala kong maramdam
alam ko malungkot ako pero parang wala kong maramdaman

naiisip ko yung isang lalakeng nagpaparamdam sakin sa office na kung ano anong binibigay pero hindi ko man lang maappreciate in the sense na kaya ko syang ienterntain
naisip ko na parang ako sya..
naiignore..
naisip ko nakakarma na ko
dahil kung sino yung mga taong gusto ako yun yung ayoko
yun yung iniignore ko
yun yung nag prapramis pa ko na gusto ko din lumabas kasama nila pero never nangyari para lang hindi nila ko kulitin

nasaktan kasi ako at nainis ako sa kanya kaya nag simula lahat ng to...
kelan lang kausap ko pa sya sa phone
inaya ko sya sa bkb pero hindi sya sure
naintindihan ko naman yun kaso makulit lang talaga ko kase gustong gusto ko na syang makita
selfish na bata...

then dumating yung araw na dapat na inaaya ko sya sa bkb
pero hindi man lang sya nagtxt para sabihin na hindi sya pwede
for what i know may usapan kame na sasabihin nya kung pwede sya o hindi
yun ngang tropa nasasabihan diba? kaso di naman kasi kami close
wrong move naman talaga...

tinext ko pa sya kung gusto nya ng putangnang krispy kreme
hindi man lang nagreply
tinawagan ko hindi parin
binababaan pa ko ng phone

so naisip ko iniiwasan nya ko
for what reason? anong ginawa ko?

so that specific day nagkulong lang ako sa bahay at natulog maghapon kahit panay ang txt sakin ni meg na lumabas  daw kami at wag na kong mastress dahil kay jc.. but still natulog nalang ako tulad ng ginawa ko buong araw kahapon, natulog, natulog, at pinilit matulog hanggang magsawa katawan ko kakatulog...

saturday yung araw na yun.. sinabi ko pa sa kanya na birthday ko.. andun din yung bloodshedd na alam kong trip nya. but i never heard anything from him that day...

dumating ang sunday, para makabawi kay meg sabi ko labas nalang kami kahit may pasok kami ng monday
super lungkot ko na dahil nung tumawag ako gamit number ng ermats ko sinagot nya pero saglit lang kami nag usap at hindi din sya pwede dahil baka mag inuman sila hindi ko alam kung sinabi nya kung bakit dahil choppy yung call pero di ko na tinatanong kung bakit...

gabi na nung nakapunta ko ng eastwood kila meg
bumili kami ng dalawang red horse na grande at ako lang umiinom
umiinom naman sila pero mas madami pinapainom nila sakin pampalakas daw ng loob
para maitanong ko na  daw kay jc kung iniiwasan nya ko..
so after ilang baso parang tatlo ata, equals to 2 bottles siguro yun
tumawag ako using meg's phone

tinanong ko kung ayaw nya ba sakin
out of the blue yun yung tanong ko
gago lang di ba
at tanga lang talaga
bakit kasi paranoid pa ko
tinanong din nya bat ko tinatanong
malamang bakit nga ba?
bakit nga ba?
manhid ba sya?
o ako lang nakakaisip ng ganito?
tinawanan pa nya ko
kahiyahiya naman talaga di ba...

buti nag end yung call at hindi narin ako tumawag
pero nung mga gabi na medyo nalasing na ko at hindi ko na macontrol kakulitan ko
dinala kasi namin sa sasakyan yung alak
ayun kinulit kulit ko na naman sya

ang tanong ko ayaw na ba nyang itxt ko sya at tawagan at ang sagot nya, OO.

akala ko titigil na ko after non...
pero hindi parin pala...
bumili pa ko ng red horse at uminom pa kami
tinext ko pa sya ng lahat ng kacreepyhan na pinaggagagawa ko
kase akala ko hindi ko na sya itetxt at titigil na ko
sinabi ko yung about sa story na sinusulat ko na nainspire ako dahil sa kanya
yung songs na sinulat ko at tong pesteng blog na to about sa kanya
sabi nila natakot daw sakin
creepy daw kasi
stalkerish daw kasi
obsessed daw kasi

sinabi ko pa na gusto ko sya at wala kong ibang narinig na sagot kundi ok
hindi ko naman sinabing oo sana sabihin nya
pero wala na bang mas harsh na sagot maliban don?
i mean.. hindi ka ba pwedeng maging nice kahit papano sa taong may gusto sayo?

ang sakit nya..
sabi nila hindi naman daw masama yung ginawa ko
yun nga lang MALI yung ginawa ko
nag sorry na ko sa kanya pero ayaw nya makipag usapin
tinext ko, tinawagan ko, hindi sumasagot
sabi ko mag kita kami pero hindi rin nya ko pinapansin
at nag punta pa ko sa kanila para lang makita sya
ang problema hindi ko alam san banda dun
tinawagan ko sya pero ayaw nyang sumagot

sobrang nag sisisi na ko sa ginawa ko
pero wala naman akong ibang magagawa kundi mag move on nalang
naisip ko kung tigilan ko na sya para lang lumamig na ulo nya at kahit papano mabawasan pag kairita nya
saka ulit ako mag tatry na kausapin sya
2 days nalang christmas na, naisip ko kung batiin ko ng happy holidays
kaso baka bumalik na naman inis nya
kaya wag nalang

new year kaya? hindi rin pwede alam ko galit parin sya

tinext ko sya kung san ba sya nairita
dahil ba kinulit ko sya?
dahil sinabi ko na gusto ko sya?
dahil sa mga ginagawa kong to
masama ba kung mainspire akong gumawa ng mga ganito?
di ko alam kung alin ba talagang parte ng ginawa ko ang napakabigat na kasalanan para sa kanya para ishutdown nya ko totally sa buhay nya...
hindi naman ako nagsalita ng masama sa kanya..
hindi naman ako nagmura
gusto ko lang malaman kung mapapatawad pa ba nya ko o hindi na talaga

dapat hindi ko talaga ginawa to dahil first of all i asked for friendship hindi ganito..
pero ok lang daw na ginawa ko dahil hindi ko  daw malalaman na wala talaga syang pakelam sakin at harsh daw sya.. pero umaasa parin ako na kakausapin nya ko...

sabi nila hintayin ko nalang daw na magtxt sya
pero sa tingin ko hindi mangyayari yun
kaya dapat hayaan ko nalang sya
gusto ko nalang magpanggap na hindi nangyari yun
ayoko narin syang kulitin kaya sinasarili ko nalang
pagod narin si meg sa paulit ulit kong JC Taverna, JC Taverna, JC Taverna...



this day--- November 8. 2013 Friday

"His name is JC Taverna."

yung araw na nalaman ko kung anong name nya.. di ko mapaliwanag yung excitement...

Thursday, December 12, 2013

To Be Continued: I've waited and craved for tonight... :)

Ayon nga... Lumipat kami ng bar.. Around tomas morato lang din naman. Nasa kotse kami, pangalan na nga ang hirap eh! So ayun nasa kotse kami ni Ace, sya nag dridrive katabi nya si... ewan nakalimutan ko na name nya basta sya yon. Sa likod ng kotse, malamang san pa ba? Katabi ko si Meg at si Jc... nasa gitna ako. Habang nasa kotse nag iisip kami kung san nga ba magandang pumunta along tomas morato o pwede rin timog. Tawanan kami ng tawanan hehe gusto kasing sumayaw nung kasama ni Ace na girl, lesly si Ace. Ang gusto naman ni Jc, kahit saan daw basta walang sayawan. Ako kahit saan din basta kasama ko si Jc, naks! So ayun, dun sana kami sa Geronimos as suggested by Jc, kaso waiting kami kaya sa iba nalang. Parang dun ata kami sa clique something na bar napunta. Ang mahal pa nga dun kaya sabi naman sa labas nalang kami kaso umaabon, pero go parin kami dun sa loob nung may umalis. May sayawan dun. Inaaya ko pa nga si Jc na sumayaw, testing lang, saka para naman hindi masabi nung kasama ni Ace na kj kami, pero hindi parin kami sumayaw, uminom lang kami. Nag kwentuhan kami ni Jc, at ang dami nyang kwento. From his family, tito, pinsan, ate, (bunso kasi sya) erpat nya, pero hindi nya nakwento ermats nya, ayoko na magtanong sya na bahala magkwento. Pati sa course nya na ecommerce, well actually nasabi na nya yun nung andun pa kami sa dragons grill. Tas mahilig din syang magdrawing pero yung may copy kasi medyo mahina daw sya sa imagination na drawing. Dapat yun ang course na kukunin nya, kaso akala kasi ng erpats nya gusto nya yung computer kaya hindi yun yung course nya. May plan nga syang mag aral ulit sa UP gusto nya fine arts. Sabi ko sa convergys meron naman plan na ganun, kaso dapat daw related sa account. At saka gusto na daw nyang mag resign kasi back office sya dati sa sykes and naging sme sya dahil pinili daw sya ng tl nya. Kaya gusto daw nya non voice. Sabi ko naman sayang naman mag patransfer ka nalang ng account.. (pero sa mga oras na to na tinatype ko to hindi na sya pumapasok sa convergys since monday pa, eh thursday na ngayon 12-12-2013) nga pala tong date na to hehe eh nung November 30 pa if ever na hindi ko natyoe dun sa 1st part wala na kong time magbasa pa.. Anyway balik tayo ayon madami akong nalaman about sa kanya dahil sobrang daldal pala nya sa personal o dahil nakainom sya at wala pa syang tulog at dahil umaga palang eh laman na sya ng yoohoo sa metrowalk hahatas ayun nakwento din nya na animator somewhere in middle east yung tito nya, parang dubai ata yung sinabi nya? Saka yun palang nasa kotse kame wala kong masabi sa kanya dead air ako haha kaya sinabi ko sa kanya na gusto kitang kausapin kaso wala kong masabi kaya nagtawanan sila kasi totoo naman ayoko naman isipin nya na inaya ko sya tapos di ko sya kakausapin di ba? tapos habang nag sasalita sya grabeng titig ko sa kanya tinitignan ko every detail ng mukha nya dahil alam ko matagal ko na naman syang hindi makikita kaya sinusulit ko na.. Ang cute ng mukha nya, sabi naman ni meg pogi sya.. totoo naman... pero yun kasing mukha nya ang amo ng dating sakin.. sabi nga nya pag daw maikli buhok nya tawag sa kanya totoy kaya isa rin yun sa reasons kung bakit nagpahaba sya ng buhok nya.. so ayun dito muna next nalang yung kasunod pa nito hanggang sa matapos hehehehehe

Monday, December 9, 2013

Part II ng 1st date...

Hindi kami masyadong nag uusap ni Jc. Nanonood lang kami ng tumutugtog though nahihirapan ako kasi medyo maliit ako at ang daming tao sa harap ko puro lalake pa ang tangkad langhiya haha. But from time to time nag uusap naman kami somehow tinatanong ko sya ng random questions at konting kwentuhan din kami at kada mag sasalita ako nilalapit ko sa tenga nya kasi nga maingay hindi kami magkarinigan, tas medyo yumuyuko naman sya cooperative naman. Ang tangkad nya kasi eh kaya nakatiptoe pa ko. Tas pag nag sasalita sya medyo malakas naman kaya hindi na kelangan masyadong malapit, eh ako kase boses ipis ampota. Ayun nalaman ko na sya pala nag dreads sa sarili nya kasi akala ko extension lang nya yun. Trip lang nya at hindi naman sya razta, mahirap daw kasi yun. Manipis kasi buhok nya kaya natripan nya diun idreads. Ganchilyo din gamit nya, nag biro pa ko na sabi ko, ako kayang ko lang iganchilyo yung yarn hehe corny lang. Pero ang galing ha ang haba kasi ng buhok nya at talagang tsinaga nya na idreads lahat yun. Kahit daw nanonood sya ng tv nagdredreads sya o kaya pag wala syang ginagawa. Nahawakan ko din dreads nya. hahaha ayun nalaman ko na taga STI College din pala sya at ecommerce yung course nya, yun lang sa Cubao sya, ako kase sa Meycauayan. Wala nga lang syang interes sumama ng mga event sa school namin kaya malabong magkita kami pero malabo nga pala talaga dahil high school pa ko nung grumaduate sya. Marami syang kinwento sakin. Tas yung friend ko nasa tomas morato din sila pero ibang bar nga lang, pinuntahan nila ko, may sasakyan naman kasi kaya oks lang. Nung tumugtog yung The Chongkeys nagbbiburan kami ng friend ko na ganja ganja kunwari haha kasi ng reggae, fumafire din kasi yun. Hindi ko alam kung naririnig nya yung biruan namin o medyo gago lang talaga ko, tinanong ko ba naman si Jc na, "san ka kumukuha ng ganja?" out of nowhere ampota hahaha sabi nya sa tropa. tas ayun nasabi din nya na kaya nalasing daw ng sobra yung wavemate nya kasi may dala sya nun and ayun nasobrahan daw. Tinanong ko kung may dala sya ngayon, tas sabi nya wala daw, hindi daw kasi nya alam na nag gaganon daw ako. So ayun dead air ako, bat ba sinabi ko pa yun abnormal na bata. Saka sa curiousity ko inamoy ko yung dreadlocks nya para patunayan ko sa sarili ko na hindi mabaho dahil inaasar ako na mabaho daw yun dahil dreads pero di ako naniniwala. and yun nga hindi naman mabaho parang may konting hint ng amoy shampoo pero hindi mabaho nyahaha. Maya maya nagkayayaan na lumipat ng bar dahil hindi makarelate yung tatlong pumunta sakin so pinagbigyan ko na sama naman kami ni Jc, alam ko naman na babalik din kami dito saka para hindi nya lang isipin na kami lang dalawa. Nag papicture pa kami ng isa kaso malabo pero ok na sakin yun gusto ko sanang ulitin pero wag nalang kasi baka iba na isipin nya kaya pag tyagaan nalang sya parin naman yun eh haha. Tapos niloloko loko ko yung friend ko na gusto ko ng sunggaban si Jc, hahaha gago ko talaga. Ngayon ko lang naisip na narinig nya kaya yun? Pero sa tingin ko hindi naman dahil maingay. So ayun lumipat kami ng bar kahit hindi namin alam  kung san kami pupunta.

1st date namin sa Music Video Launch ng Heather (Saydie) Part I!

Medyo mahaba tong kwentong to dahil nasira pc ko... At medyo naging busy na din ako kaya walang time na ayusin... Anyway... Natuloy na ang date namin ni Jc nung music video launch ng Saydie sa Dragons bar and grill sa Tomas Morato last Novemeber 30, Saturday... Akala ko nga hindi sya pupunta dahil hindi naman nya trip yung line up. Iba kasi mga trip nya, malayo sa trip kong music. Pero siguro yung Saydie lang trip nya dun. So ayun, saturday ng umaga. Andun ako sa room ng isa sa mga friend ko na nakilala ko sa Convergys.. Tambay muna kasi 10am pa bukas ng mga malls, eh may bibilhin kasi kami... Tas di ko alam kung itetxt ko ba sya para ayain kasi baka nga hindi nya trip saka hindi naman nya ko tinetxt kashit may load sya. (Pwede kasing icheck sa Globe yung load balance ng ibang number. Lakas makastalker no? Aminado naman ako.) So ayun tinext ko sya para ayain. Tas nun nag ok naman sya, kaso hindi na nag reply pero alam ko naman na wala na syang load kaso gusto ko lang naman makasigurado na sasama sya kesa umasa pa ko. Nag iinuman kasi sila nun sa YooHoo sa Metrowalk kaya iniisip ko na baka malasing sya at ayun, talo na naman. So ginawa ko tinawagan ko sya. Grabe pang kaba ko nung mag ring yung phone nya. Nung sinagot nya ang ingay, nasa YooHoo nga sya... Lumayo lang sya para magkarinigan kami. Ayun confirmed na sasama sya. Around 7pm usapan namin. Fast forward tayo sa pangyayari dahil about naman sa kanya tong pesteng blog na to na ginagawa ko para makamove on. Nagising ako ng 5pm. 2pm na ko nakauwi ng bahay kaya lutang na lutang pa ko and hindi naman ako agad nakatulog. Bago ko maligo ng 6pm tinext ko sya kung makakasama ba sya. Habang naliligo ako nagreply sya at tinanong kung kelangan ba talagang 7pm? Understandable naman dahil mukhang wala pa syang tulog. Sabi ko 8pm naman start so ok lang kahit hindi 7pm, hindi ko din kasi alam kung pano pumunta dun kaya hahanapin pa namin. Ang totoo hinanap ko na sa google kung pano pumunta dun kaso hindi ko din naman alam yung mga street na sinasabi dun kaya hinayaan ko nalang pwede naman magtanong tanong nalang... So ayun sa Gateway kami nagkita sa Cubao. Sobrang kaba ko dahil excited ako na makikita ko na din sya sa wakas. Hindi ko alam kung inabot ba ko ng isang oras o mahigit isang oras kakahintay sa kanya dahil kahit tinitignan ko relos ko hindi ko naman talaga pinapansin yung oras. Muntanga lang eh. Dun kami nagkita sa labas ng Gateway sa tapat ng BreadTalk. Tangina tomguts na tomguts na ko pero wala kong ganang kumaen. 7am pa yung last na kaen ko ng araw na to. Txt txt kami ng konte bago sya dumating nag tanong pa ko kung may kasama sya, pero mag isa lang sya. Partner sana nung friend ko para hindi sya party pooper, pero isa din sa rason bat tinatanong ko kung may kasama sya para hindi naman nya isipin na gusto ko wala syang kasama baka kasi isipin nya date eh. Kahit yun talaga ang gusto ko hahaha. So ayun finally dumating na sya.. Hindi ko nacatch up yung word na sinabi nya dahil nagulat ako kahit na expected ko naman na anytime nasa harap ko na sya. Medyo nakangiti sya, ang paborito kong ngiti nya na napakaganda. Kasi totoong totoo yung dating. Ayun nag lakad kami papuntang Aurora at ang bilis nya maglakad. What the hell. Hindi pwede chicks chicks pero pare nanlalata na ko pero ok lang kasama ko naman sya. Sumakay kami ng jeep, pa welcome rotonda. Wala kong nakitang jeep na may signage na welcxome rotonda pero buti alam naman nya kung san sasakay. Ayun sya nagbayad ng pamasahe nakakahiya ayoko ng may utang pero bumawi naman ako kumbaga unahan mag abot ng pamasahe ang peg. Wala pa pala syang tulog nalasing kasi yung isa nyang wavemate yung isa sa mga long haired sa wave nila hindi ko marecall itsura dahil ang dami nila dun, puro sila lalake, saka sya lang naman pinapansin ko dun. Ahem. Dun nag pahinga sa bahay nila yung wavemate nya kaya wala din syang tulog kase nagsusuka daw syempre binabantayan nya. Nung nagtxt ako sa kanya medyo pipikit pikit na sya dahil sa antok. Buti nalang pala natxt ko sya dahil mukhang hindi sya pupunta pero eto na at kasama ko na sya. Hindi kami masyadong nag uusap dahil hindi ko din alam ang sasabihin ko kahit gusto ko syang kausapin, dead air lang talaga ko. Basta sinabi ko sa kanya yung line up nung tutugtog. May mga trip din sya dun sa tutugtog kaya oks narin kasi ayoko naman maboring sya eh. Pag baba namin ng welcome rotonda sasakay pa kami ng jeep na pa tomas morato, yun yung proj.2-3 na jeep nag tanong kami sa driver ng jeep, hindi pa kami sinakay yun pala sya din yung dadaan dun, haha labo. Sumakay kami at ako naman nagbayad para bawi ako di ba walang utang. Nung tinatanong kami ng driver kung san kami bababa medyo nagkakalabuan dahil hindi nga kami pareahas familiar sa place, nung sinabi nung driver na dun ba sa may kanto ng mcdo? Umandar na naman yung reaction ko na mukhang timang at para kong gago na sumagot na dun nga ng oh so jolly. Natawa tuloy sya sakin pero ok na din natawa din ako sa kalokohan ko. Haha. Dun lang kami sa dulo na kaupo sa may pinto ng jeep. Medyo mahaba byahe namin 9pm na yun. Hindi kami masyadong nag uusap pero tinitignan ko naman sya pasecret nga lang at hindi mayat maya baka matakot sakin eh sabihin ang creepy ko. Pag baba namin ng tomas morato hindi namin alam kung san kami pupunta pakiramdam ko nga naiirita sya dahil ang lakas ko mang aya hindi ko naman alam saan, pero sinabi ko naman sa kanya na hindi ko nga alam. Pero yung pinakamalapit na kanto dun kami pumunta. Hindi pa kami nakakalayo ng lakad dinig na namin yung nag sisigawan. So assume na yun na yung gig ng saydie wala naman sigurong ibang mag sisigawan dito ng ganitong oras. At wala na din masyadong bar dun. Tapos yun nga dun nga yung event ng saydie. So happy na ko nakita na namin hindi ko sinayang ang oras nya. Yung tumutugtog nun Sucketseven ata yun. Tumayo muna kami sa likod ng ilang minutes bago pumunta dun sa bar para uminom. Kumuha sya ng dalawang red horse tig isa kami. Madaming tao may konting nag islaman. Nakwento nya din na yung last nyang napuntahan mas magulo daw dito, oo nga naman pero ok na din.