Monday, November 25, 2013

Ang sakit ng tatlong beses na supalpal sa hindi matuloy tuloy na imagination na date.

So time check muna tayo.. mali kasi yung time lagi dito pag nag post ako.. 11/25/2013 1:39 AM.
badtrip ako dahil sa kanya.. dahil kay JC Taverna. :'( laslas na friend!! deee joke lang haha!
kasi naman ang tagal kong hinintay tong rest day namen.. sabay kami ng rest day. fortunately, but unfortunately. gustong gusto ko kasi syang makilala... gustong gusto ko syang makasama at makita yung ngiti nya.. yung tipong marinig ko syang nakikipag usap sakin di tulad dati sa elevator na inaabangan ko syang mag salita para lang marinig ko boses nya.. pathetic di ba? :(

anyway... ang dahilan ay yun nga ang tagal kong hinintay na mag rest day kami. Saturday... :(
sakit sa puso lang teh... haaaaayyy....
isang buong linggo kong hinihiling na sana ayain nya ko sa gig kasi yun yung sinabi nya.. sama daw nya ko pag may gig... kaso mukhang wala namang gig.. edi nga nga di ba??
nag paligoy ligoy pa ko.. syempre alamin mo muna kung busy sya pag rest day nya.. at kung anong ginagawa nya para sigurado na hindi ka mapapahiya di ba? pero hindi rin pala...

so inaya ko sya na manood ng movie.. alam ko naman na walang magandang movie ngayon.. alam na alam ko.. hello... katabi lang namin mga mall di ba? so ayun... inisip ko kahit wala kaming mapanood na movie at least magkasama kami and sa tingin ko we will not call it a day porke walang movie na maganda di ba? pwede kaming maglaro sa mall na kung anong trip nya.. pumunta sa bookstore o mag window shopping swa kung saan, di ba?
pinangarap ko pa naman na makunan sya ng picture... but actually my original plan is ayain sya sa manila bay.. para kumaen lang habang nakatambay.. ganun lang kasimple.. pero sabi nila ang corny ko daw... langhiya... so changed of plans malamang.. iniisip ko kasi hindi naman sya maarte and he wont mind sitting at the seaside kahit hindi naman kabanguhan don at hindi kagandahan yung view... wala naman kasing magandang view dito sa manila eh.. so going back... *sigh* yun nga movie... hanggang sa tinanong nya kung mahilig ako sa indie movie, ayun oo syempre mahilig ako sa indie sino ba naman aayaw non eh ang gaganda ng theme ng indie movie na napanood ko before... so ayun nag tanong na ko, sa shang daw meron but not sure... then sabi nya may cinemaone originals daw (unfortunately napakswerte ampota leche! tapos na eh.. hindi umabot sa araw na to... tanginaaamen...) pero inulit ko ulit after shift namin which is 6am (sa call center kami magkaiba lang ng site parehas ng company) kung sure ba talaga sya... sabi nya inom daw sila kaya depende daw kung anong oras sya magigising... so naisip ko na agad, damn nireject nya ko medyo padaplis lang... pero ok parin ako sabi ko txt nya nalang ako... pero until mag hapon hindi ako nakatulog ng maayos... nagising ako ng 4pm.. walang txt. malabo. badtrip na ko. masama na loob ko.. nung umaga palang kasi nga nireject na nya ko... hanggang sa nagtxt sya ng around 7pm... nag sorry sya dahil kakagising lang nya, nagpaload pa ko para lang replyan sya para hindi mukhang bitter di ba? sabi ko ok lang, pero nasaktan ako... hello??? tagal kong hinintay, isang linggo! simula nung last friday na last kong kita sa kanya na kala ko hindi na mangyayari dahil ayaw nyang kunin yung tunaw na putang inang ice cream sa pantry na tinabi ko para sa kanya. paksyet. pero hindi naman sya nag reply... mas ok na din kasi nga badtrip ako eh.. pero mawawala sana yung badtrip ko kung magkatdxt kami kahit papano kahit wala naman akong masabi sa kanya... so ayun... malungkot talaga... gusto ko pa naman syang picturan para remembrance... hindi nya kasi binibigay fb nya... deactivated daw eh.. anung magagawa ko di ba? though may nakita ko na parehas na parehas nya ng pangalan at yung ibang info sa friend list nya... then sunday morning... kahapon to... kasi monday na eh... iniisip ko kung itetxt ko pa sya... suko na ko eh... pakiramdam ko kasi hindi sya interesadong makipagusap sakin. laging one liner yung sagot at kung minsan hindi ko masagot txt nya kahit yung last txt ko eh open ended question  naman... tanong, sagot lang sya eh... ayun nagkatxt kami kahit papano... 10 yrs kasi sya magreply.. alam ko naman may ginagawa din sya... pero anong ginagawa nya kung ang ginagawa lang naman daw nya eh manood ng tv o magbasa ng libro? wala naman daw syang net sa bahay? at kung tambay naman sya hindi sya makakapagreply? hehe isa lang ibig sabihin non... ayaw ka nyang kausap. wag manhid ah? so going back... nung bandang hapon, inaccept na din nya yung chat invite ko sa google talk... kaso 3 replies lang kami pano tagal nya eh... boring daw sya at walang magawa... so eto na naisip ko na baka eto na chance ko! biniro ko sya, "tara gala nalang tayo hahahaha" lumipas ang isang oras ng walang reply sa gtalk. walang txt. hanggang sa nagtxt na sya ulit, kasi tinanong ko kung sya yung sa gtalk, sinagot lang nya. ayun nagtanungan.. tagal ko daw magreply kaya nag offline na sya.. tinanong ko kung ano last chat nya, ayun yung boring daw sya, tas sinabi ko yung sagot ko na gala nalang kami... nag usap kami ng konte san gagala... walang maisip... di naman daw sya tumatambay sa labas... badtrip di ba?? walang mapuntahan?? gusto ko sana ayain na sa manila bay kaso medyo umaambon baka mamaya umulan pa... hindi ko nalang sinabi... nood nalang sana ng movie... ok na sana eh!! tignan ko daw san may showing nung Shift yung sa cinemaone originals. kaso wala na nga!!! so hindi na naman pwede.. edi pahiya na naman ako. turned down again. hiyang hiya na ko... medyo ok naman yung usapan namin hanggang sa napag usapan yung gabi na kinuha ko yung number nya thru the help of my wavemates... naawkwardan ata sakin... pero ano naman magagawa ko di ba? tapos na eh... theres no use in crying over a spilled milk... around 6pm na yun.. hindi na sya nagreply... maya maya naligo na ko amoy yesterday na eh.. may tumatawag, wavemate ko. alam ko na agad mag aaya ng shot to. so sinabihan ko sya na di ako sasama kung di kasama si dreadlocks, pano naman gustong gusto ko na syang makita eh.. yun lang naman eh... gusto ko lang syang makabonding at makilala... around 7pm. lumabas ako ng bahay para tawagan si JC, kasi di nagrereply, baka 10 yrs na naman abutin eh may kasama ko na naghihintay ng sagot ko. ayun, mali ata approach ko. alam ko naman na hindi sya sasama pero sinubukan ko nalang din... sinabi ko na kasama nung wavemate ko yung boyfriend nya, tapos tumawa sya ng napakalakas as in natawa talaga sya. hiyang hiya na talaga ko.. grabe parang gusto ko ng ibaba bigla yung phone at maiyak sa hiya sa pinaggagagawa ko ang tigas kasi ng ulo ko eh.. ibig kong sabihin sana, baka pwedeng samahan nya ko para hindi naman ako ma-OP dun sa dalawa... pero iba ata dating sa kanya... sobrang naoffend na talaga ko dun sa tawa nya eh.. sinabi ko nalang na hanap nalang ako ng ibang maaaya. putanginamen. next time nalang. pero para sakin mukhang "next time your face" yung ibig nyang sabihin. asa ka nalang sa wala. so ayun.... tatlong beses. nasa bahay na daw sya kaya tinatamad na syang lumabas.. pero kahit papano natuwa ako na narinig ko boses nya over the phone. pathetic lang... pero eto talaga dahilan ng lungkot ko. nakakababa naman talaga eh... yung kakilala ko isang beses lang nya inaya, same scenario samin dalawa pero dumating agad, feeelingero pa nga si gago eh, tinagged nya sarili nya as boyfriend agad. alam ko naman magkaibang silang lalake, pero masakit lang talaga maturn down ka nung taong gusto mong makilala.. yun lang naman... ginawa ko nalang para maiwasan ko syang itxt, imbes na JC Taverna yung name nya sa phone book ko pinalitan ko ng DO NOT TEXT as in ganyan format. haaaay.... tapos lahat ng conversation namin nilagay ko sa blacklist.. ayoko kasing idelete... para kahit papano hindi ko maisipan na magpakabaliw ulit... pero lungkot lang talaga... sana mabasa nya nalang to para medyo maisip din nya at pagbigyan na nya ko kaso masyado ng nakakaawa pero mukhang dun na ko papunta... kaya eto... lagi kong sinasabi sa sarili ko na kalimutan na... kalimutan na... kalimutan... kalimutan... :'(


Now Playing: Waiting For A Sign
Armi Millare (Up Dharma Down)
11/25/2013 Sunday 2:18AM

Sunday, November 17, 2013

noodles

so hindi talaga ko makatulog... kakakaen ko lang ng noodles.. sya parin ang iniisip ko... alam ko naman na bukas na sya magtetxt eh.. pagkatapos neto ano kaya maligo naman ako? baka sakaling makatulog na ko kahit na maingay dito... ngayon lang naman to pero gusto ko na talaga matulog kanina pa ang kaso nga lang hindi ako makapagconcentrate eh kasi nga maingay tapos iniisip ko pa sya.. kaya lalong nawala yung antok ko... nagbasa na ko ng novel wala parin.. ngayon nag online ako sa desktop ko kase gusto ko sanang itag lahat ng pictures ko dun sa isa kong account kaso ang hirap matrabaho ampota kaya wag nalang... iniingatan ko naman na fb ko ngayon hindi na ko nag aadd ng hindi ko kilala and secure lahat ng information ko... mahirap na kasi eh.. anywa.. balik tayo... dreadlocks.. isip ako ng isip sayo... my goodness... i remember the first day you came into my life... ayiiiiiiiiiii!!!! hohohohohoho akala ko porke nakuha ko na number nya at may communication na kami eh magiging ok na lahat at makakatulog na ko ng mahimbing sa gabi.. mas lalo palang lumala... oh my gooooodddd....... ano bang nakita ko sa kanya? gusto ko pa syang makausap at makilala... ayoko naman magmadali pero parang nag crave ako na malaman yung mga gusto kong malaman.. mas lalo akong naging interesado sa kanya... nooooooo.... ano kaya??? haaaaaaa....... sana ayain naman nya ko na lumabas kami pero alam ko hindi pa mangyayari yun o  baka malayo pa sa katotohanan... malapit na december.... may date kaya sya sa christmas day o baka naman roadtrip ang trip nya?? take me with you and show me the world!! haha parehas pa kaming bookworm... hehehehe tinatamad pa kong hanapin yung mga novels na sinasabi nya na nabasa na nya... saka nalang... gosh..... whats going on??? pero sobrang tuwa ko at hindi pa expired hanggang ngayon yung ngiti na nakaplaster sa mukha ko hanggang ngayon hehehehehe maliligo na nga lang ako baka sakaling antukin na...