Posts

Showing posts from 2013

New Years Eve

Malungkot ang simula ng week na to para sakin... Bakit? May iba pa bang dahilan? Sya ang iniisip ko... At mukhang hindi pa nga sya maaalis sa utak ko hanggang ngayon... Hindi naman kami at lalong hindi naman nya ko nagustuhan kahit konti Pero ako hindi ko din malaman sa sarili ko kung bakit ganito... Sabi sakin ni Meg dahil sa hindi ko nakuha gusto ko... Ang gusto ko lang naman mapalapit kay Jc... Yun lang naman ang gusto ko... Pero ngayon ang gusto ko makita at makausap sya.. Hindi ko alam kung itetxt ko pa ba sya ng Happy New Year o tanggapin ko nalang na kelangan ko ng tumigil... Alam ko naman kung anong gagawin ko pero ayoko lang gawin... Hindi naman ako masaya na nandito ko sa ganitong sitwasyon... Umaasa parin ako na tong blog na to madudugtungan ng tungkol sa kanya... Pero mukhang malabo na nga to... Pinaalala ulit sakin ni Meg na sasamahan nila ko na hanapin sya sa Saturday or technically Sunday na yun baka kasi madaling araw na kami maghanap... Pano pag nakita n...

Thinking of Times We Should Have Spent...

Gising pa din ako hanggang ngayon.. Ikaw ba naman matulog mag hapon Hindi parin pala ko kumakaen. Imortal ampota.. Mamaya maya nalang Tinatamad pa kong lumabas para kumaen... Pag talaga nalulungkot ako lagi nalang akong nagkukulong sa kwarto Its like I dont want any interaction from the outside world... Kaharap ang laptop at cellphone Sa kapangyarihan ng internet Pakiramdam ko gumagaan ang pakiramdam ko pag nakikita ko mga pictures ni Jc.. Pag binabasa ko ulit mga txt nya from the beginning Sumasaya ko.. Tapos malulungkot bigla dahil hindi ko na sya makakausap... Gusto kong malaman kung anong iniisip nya.. Gusto kong malaman kung anong nararamdaman nya... Hindi ko makalimutan yung last kong tawag sa kanya Halatang nabadtrip sya narinig pa lang nya pangalan ko at binabaan ako ng phone Ang sakit nun... Sabi sakin pag talagang ayaw sayo ng lalake kahit na alam nyang gusto mo sya hinding hindi ka nya kakausapin at mababadtrip sya sayo... Wag ka ng umasa na kakausapin ka pa...

Sorry and Thank You!

Nakakatuwang iedit tong blog na to.. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras na iedit Lagi ko din kasi nakakalimutan Lahat ng pictures dito hindi sakin Kung sino ka man na kinuhanan ko ng pictures na to Pasensya na at sorry at MARAMING MARAMING SALAMAT sa pictures! Kahit wala akong paalam.. Wala kasi akong makuhanan ng pictures ni Jc... Naging masaya din ako ng makita ko tong mga pictures nya... Thank you!

Picture, Picture, ohh... What A Beautiful Face.. Bigla kang Nawala...

Tulog na naman ako maghapon ngayong araw na to.. Pati kagabi tulog din at nakalimutan ko ng kumain.. Wala din akong gana.. Baka maya maya magutom na din ako.. Nang malaman ko kung ano talaga totoong fb ni Jc na hindi naman talaga deactivated Inadd ko mga friends nya.. Mostly sa mga na add ko taga Sykes... Meron din taga NCO... Shit I remember nung April 2012 yung kasabay ko mag apply inaya ako mag apply sa Sykes Pero ayoko.. Sana pala nag apply na din ako noon don edi sana nag karoon ng chance na makilala ko sya... Anyway going back... Inaccept agad nung 2 friends nya yung friend request ko... Isang taga NCO at isang taga Sykes... Una muna yung taga NCO Chineck ko yung mga albums nya Nung may nakita kong title na Team Building, naisipan ko tignan Andun si Jc.. That was way back 2009 Hindi pa sya nakadreadlocks nun At ang haba ng buhok nya, manipis nga, yun din sinabi nya sakin... Ang dami ng pictures at meron yung mga nakakatawa itsura nya Medyo gumaan pakiramdam ...

I Thought I Was Okay?!

last november hanap ako ng hanap sa fb ni jc..  lahat na ng name combination hinanap ko na..  pero wala di ko parin makita..  until nakita ko yung isang profile na may mutual friend na taga sykes..  syempre call center yun kaya naisip ko baka sya yun.. pero hindi sya yun..  sinabi nya sakin nung magkasama kami dati.. hay.. pero nung time na yun.. last november.. etong isa pang profile na to, iba name.. at may profile picture na nakadreads pakiramdam ko sya to.. pero last december 2012 pa yung last update na public.. naisip kong sya to.. pero hinayaan ko nalang.. wala naman kasing picture nya.. until this day.. na naisipan ko na hanapin ulit sya sa fb.. kahit na sinabi nyang deactivated fb nya.. hindi ko din alam.. pero kahit yung unang profile na nakita ko na kapangalan nya at mutual friend yung verizon, kahit alam ko na hindi naman sya yun, naisipan kong iview.. wala lang.. tinignan ko yung pictures.. and i was horrified ng makita ko picture nya.. ye...

Im not one to complain.. I take one step away...

naiinspire akong gumawa ng isa pang kanta para sa kanya..  hindi ko na alam kung ano pang exit plan ang gagawin ko.. ayoko naman takasan to dahil alam kong di ko pa kaya.. at babalik balikan ko din dahil di pa ko ready mag let go kahit na wala namang rason para magkaganito pa.. "if i could only find a way to move forward without looking back staring at the broken glass thinking if i can use it to cut everything at once warm smoke from my cigarette escaping my lungs but my heart remains frozen my mind is still stuck with your smile memories are hanging by a chain waiting for me to pull it out and follow the way out it seems that time isnt passing but days are moving so fast can i just pretend and go on like all of these never happened."

If I Had Any Other Heart Beside My Own...

eto na naman.. iniisip ko na tumingin sa iba.. iniisip ko na kung ibaling ko sa ibang tao yung atensyon ko.. yung tipong panakip butas yung dating kahit masama yun.. parang di ko kaya.. pag naiisip ko na hindi si jc.. na pag naiimagine ko yung mga gusto ko sanang mangyari.. tapos hindi sya yung kasama ko.. biglang naghohold back ako na "NO" i cant.. gusto ko sya.. sya lang.. gusto ko sya yung kasama ko uminom.. pumunta sa gig.. gusto ko syang isama pag nag skate ako.. naiimagine ko pa na paunahan kami magpatakbo ng skateboard.. nagtatawanan.. gusto kong tugtugin sa harap nya yung sinulat kong kanta.. mag gigitara ako.. kakantahan sya.. tapos tatawanan nya ko kase corny.. haha tapos naiimagine ko din yung first plan ko na gusto kong pumunta kami sa manila bay.. kakaen kami dun.. tapos sunset.. tapos dala ko digicam ko.. pipicturan ko yung sunset.. tapos may mga batang naglalaro sa likod namin.. tapos pipicturan ko sya.. syempre kunwari parang nahihiya sya kaya ma...

yesterday once more.. "its breaking my heart"

at ngayon hanggang panghihinayang nalang ako.. sinayang ko lahat at daig ko pa iniwan ng syota kung mag emote at naghabol sa kanya.. pero ayoko parin tumigil.. ang kulit ko.. naalala ko lang yung tinawagan ko sya.. tanda ko december 12 yun.. nun kasing madaling araw nun kasi nga night shift ako tinext ko sya kung gusto nyang magbreakfast or coffee.. kahit hindi ako mahilig sa coffee kaya ko sya inaya dahil gusto kong itanong kung naiirita sya sakin.. para kasi umiiwas sya.. ewan ko paranoid kasi ako eh.. takot na takot na mawala sya. parang akin no? hindi naman.. ang kaso hindi sya nagreply.. hindi rin ako kumaen.. usually kasi may team breakfast kami lagi sa mcdo.. that time ako naman nakatunganga sa cellphone naghihintay ng txt nya pinatxt ko pa kay meg kase baka di nya nareceive kunwari wala na kong load.. pero hanggang sa matapos silang kumaen wala parin syang reply.. nalungkot tuloy ako.. frustrated.. pakiramdam ko todo ignore sya sakin.. tanong ko na naman sa sarili ...

Ohh... Di ko kayang tanggapin!!!

Until now hindi parin ako makapaniwala na hindi na sya talaga makikipag usap sakin dahil sa ginawa ko... kelan ko kaya matatanggap to? bat hanggang ngayon hindi parin ako matahimik? o baka ayaw ko lang talaga patahimikin sarili ko... minsan naiisip ko, hindi lang pala minsan.. lagi.. na sana kausapin na nya ko yung bigla syang magtxt ng "Hey what's up?" pero hindi na mangyayari yun.. ako na talaga si nega.. pero mas gugustuhin ko ng maging nega kesa isipin na mangyayari yun kahit iniisip ko naman talaga yun nga lang sabay bawi ng hindi mangyayari yun at tigilan mo na yan drama mo lecherous naman talaga.. akala ko magiging ok lang ang lahat hindi ko naman akalain na mangyayari to eh.. tinext ko pa sya nung christmas ng happy holidays pero hindi sya nagreply.. alam ko naman na hindi sya magrereply.. sino ba naman ako? isa lang akong batang babae na stalkerish.. isang batang babae na feelingera at may gusto sa kanya.. self pity ampota.. bago matulog...

help me remember to forget i want to forget...

so ngayon eto yung gusto kong ilagay sa blog ko about jc taverna.. yung unang araw na nakita ko sya sa robinsons equitable tower, which is cvg's training hub.. 2nd week na namin ng pst and it was october 28.. around 1:30pm nung dumating ako nun.. paglabas ko ng elevator nakasalubong ko sya, along with the other trainees.. pansin na pansin ko agad sya dahil nakadreadlocks sya at ang amo pa ng mukha tas bagay sa kanya yung corporate attire.. hehe di ko pa sya ganong pansin nun pero nakakatawag sya ng attention.. madalas ko syang makasalubong at parang naaattrack na din ako somehow though i was thinking na he's younger than me so i really dont pay much attention.. una kong napansin yung nakachucks sya along with the corporate attire so ginaya ko na hahaha kase hindi ako comfortable sa doll shoes.. pwede naman pala ganun.. parehas pa kami ng kulay ng chucks yun nga lang low cut yung saken.. tas nun medyo tumagal tagal na parang lalo akong naattract i just found myself na sinusundan...

Im running in circles, I have to let go... Cant believe Im saying this...

hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy tong blog na to.. nawala na lahat dahil sakin.. ayoko ng isipin kung ano pa yung mga nangyari pero dahil nalulungkot talaga ko eto na naman.. bakit nga ba nawala na? ang bilis di ba? maliban sa hindi maganda standing ko sa trabaho at may topak na naman pc ko buti at nahiram ko laptop ni ermat eto at malungkot pa ko pag take in nalang ng calls yung nagiging escape ko sa mga nangyayari.. pag avail parang yung luha ko unlimited dahil sa sobrang pag sisi ko sa sarili ko kasalanan ko kasi to eh pero hindi ko naman maitama ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ng personal na sorry.. ayaw nga nya kong kausapin.. nung tumawag ako kakasabi ko palang ng name ko binaba nya agad yung phone at hindi na sinagot tawag ko kahit siguro hindi nya ko patawarin basta basta lang sabihin nya na hinding hindi na nya ko kakausapin kahit kelan.. hindi ko alam na ganito sya ka harsh.. ayokong maniwala pero yun yung sabi nila ayoko magalit sa kanya at h...

To Be Continued: I've waited and craved for tonight... :)

Ayon nga... Lumipat kami ng bar.. Around tomas morato lang din naman. Nasa kotse kami, pangalan na nga ang hirap eh! So ayun nasa kotse kami ni Ace, sya nag dridrive katabi nya si... ewan nakalimutan ko na name nya basta sya yon. Sa likod ng kotse, malamang san pa ba? Katabi ko si Meg at si Jc... nasa gitna ako. Habang nasa kotse nag iisip kami kung san nga ba magandang pumunta along tomas morato o pwede rin timog. Tawanan kami ng tawanan hehe gusto kasing sumayaw nung kasama ni Ace na girl, lesly si Ace. Ang gusto naman ni Jc, kahit saan daw basta walang sayawan. Ako kahit saan din basta kasama ko si Jc, naks! So ayun, dun sana kami sa Geronimos as suggested by Jc, kaso waiting kami kaya sa iba nalang. Parang dun ata kami sa clique something na bar napunta. Ang mahal pa nga dun kaya sabi naman sa labas nalang kami kaso umaabon, pero go parin kami dun sa loob nung may umalis. May sayawan dun. Inaaya ko pa nga si Jc na sumayaw, testing lang, saka para naman hindi masabi nung kasama ni A...

Part II ng 1st date...

Hindi kami masyadong nag uusap ni Jc. Nanonood lang kami ng tumutugtog though nahihirapan ako kasi medyo maliit ako at ang daming tao sa harap ko puro lalake pa ang tangkad langhiya haha. But from time to time nag uusap naman kami somehow tinatanong ko sya ng random questions at konting kwentuhan din kami at kada mag sasalita ako nilalapit ko sa tenga nya kasi nga maingay hindi kami magkarinigan, tas medyo yumuyuko naman sya cooperative naman. Ang tangkad nya kasi eh kaya nakatiptoe pa ko. Tas pag nag sasalita sya medyo malakas naman kaya hindi na kelangan masyadong malapit, eh ako kase boses ipis ampota. Ayun nalaman ko na sya pala nag dreads sa sarili nya kasi akala ko extension lang nya yun. Trip lang nya at hindi naman sya razta, mahirap daw kasi yun. Manipis kasi buhok nya kaya natripan nya diun idreads. Ganchilyo din gamit nya, nag biro pa ko na sabi ko, ako kayang ko lang iganchilyo yung yarn hehe corny lang. Pero ang galing ha ang haba kasi ng buhok nya at talagang tsinaga nya ...

1st date namin sa Music Video Launch ng Heather (Saydie) Part I!

Medyo mahaba tong kwentong to dahil nasira pc ko... At medyo naging busy na din ako kaya walang time na ayusin... Anyway... Natuloy na ang date namin ni Jc nung music video launch ng Saydie sa Dragons bar and grill sa Tomas Morato last Novemeber 30, Saturday... Akala ko nga hindi sya pupunta dahil hindi naman nya trip yung line up. Iba kasi mga trip nya, malayo sa trip kong music. Pero siguro yung Saydie lang trip nya dun. So ayun, saturday ng umaga. Andun ako sa room ng isa sa mga friend ko na nakilala ko sa Convergys.. Tambay muna kasi 10am pa bukas ng mga malls, eh may bibilhin kasi kami... Tas di ko alam kung itetxt ko ba sya para ayain kasi baka nga hindi nya trip saka hindi naman nya ko tinetxt kashit may load sya. (Pwede kasing icheck sa Globe yung load balance ng ibang number. Lakas makastalker no? Aminado naman ako.) So ayun tinext ko sya para ayain. Tas nun nag ok naman sya, kaso hindi na nag reply pero alam ko naman na wala na syang load kaso gusto ko lang naman makasigurado...

Ang sakit ng tatlong beses na supalpal sa hindi matuloy tuloy na imagination na date.

So time check muna tayo.. mali kasi yung time lagi dito pag nag post ako.. 11/25/2013 1:39 AM. badtrip ako dahil sa kanya.. dahil kay JC Taverna. :'( laslas na friend!! deee joke lang haha! kasi naman ang tagal kong hinintay tong rest day namen.. sabay kami ng rest day. fortunately, but unfortunately. gustong gusto ko kasi syang makilala... gustong gusto ko syang makasama at makita yung ngiti nya.. yung tipong marinig ko syang nakikipag usap sakin di tulad dati sa elevator na inaabangan ko syang mag salita para lang marinig ko boses nya.. pathetic di ba? :( anyway... ang dahilan ay yun nga ang tagal kong hinintay na mag rest day kami. Saturday... :( sakit sa puso lang teh... haaaaayyy.... isang buong linggo kong hinihiling na sana ayain nya ko sa gig kasi yun yung sinabi nya.. sama daw nya ko pag may gig... kaso mukhang wala namang gig.. edi nga nga di ba?? nag paligoy ligoy pa ko.. syempre alamin mo muna kung busy sya pag rest day nya.. at kung anong ginagawa nya para sigur...

noodles

so hindi talaga ko makatulog... kakakaen ko lang ng noodles.. sya parin ang iniisip ko... alam ko naman na bukas na sya magtetxt eh.. pagkatapos neto ano kaya maligo naman ako? baka sakaling makatulog na ko kahit na maingay dito... ngayon lang naman to pero gusto ko na talaga matulog kanina pa ang kaso nga lang hindi ako makapagconcentrate eh kasi nga maingay tapos iniisip ko pa sya.. kaya lalong nawala yung antok ko... nagbasa na ko ng novel wala parin.. ngayon nag online ako sa desktop ko kase gusto ko sanang itag lahat ng pictures ko dun sa isa kong account kaso ang hirap matrabaho ampota kaya wag nalang... iniingatan ko naman na fb ko ngayon hindi na ko nag aadd ng hindi ko kilala and secure lahat ng information ko... mahirap na kasi eh.. anywa.. balik tayo... dreadlocks.. isip ako ng isip sayo... my goodness... i remember the first day you came into my life... ayiiiiiiiiiii!!!! hohohohohoho akala ko porke nakuha ko na number nya at may communication na kami eh magiging ok na lahat...