Monday, October 3, 2022

8 years too late.

 "Sa tagal ng panahon

Lalong lumalalim ang pagtingin sa'yo

Kaya labag sa 'king loob

Kapag magiging kayo

Ako naman ang unang nagmahal sa'yo

At ang pag-ibig ko naman ay totoo

Pero 'di patas ang mundo

Dahil hindi ako ang pinili mo

Ang isang tulad ko

Ay ang dahilan kung bakit hindi naging tayo

Ang pag-aasam ko

Ay isang misteryo sa'yo

Madali namang intindihin

Kung parehas lang ang damdamin

Ako naman ang unang nagmahal sa'yo

At ang pag-ibig ko naman ay totoo

Pero 'di patas ang mundo

Dahil hindi ako ang pinili mo

At ang isang tulad ko

Ay ang dahilan kung bakit hindi naging tayo

Pero 'di patas ang mundo

Dahil hindi ako ang pinili mo

At ang isang tulad ko

Ay ang dahilan kung bakit hindi naging tayo

Hindi naging hindi naging tayo"

---  Di Naging (Tayo)

Song by Sleep Alley


Hi JC. :)

Kamusta ka na? lagi kitang naiisip this past few weeks and i feel lonely for some reason. 8 years narin pala nung last tayo na nagkausap. Tanda ko nasa Eastwood ako non nakikipag inuman kay Meg at sa manliligaw ko, eventually naging kami pero nagbreak din kami last 2017. Nagalit sakin si Meg that night kasi bakit pa kita tinatawagan at pinapaasa ko yung nanliligaw sakin. I tried to reach out din sa email mo nagchat ako pero di ka parin nagrereply. So ayon sumuko na ko at nag move on. I never thought that after all these years maiisip parin kita di ko alam bakit, tingin ko malinaw naman yung gusto mong mangyari. Few years back may nag message sakin sa FB at sinabi na gf mo sya at pinapadelete tong blog na to. Pero syempre di ko sya sinunod like sino ba sya para utusan ako all of a sudden. Saka bakit big deal sa kanya eh hindi naman naging tayo. And most importantly hindi mo naman ako nagustuhan kahit .1% di ba? 

Few months back nag linis ako ng mga gamit ko at nakita ko yung pinunit na papel na andun yung number mo. Ilang taon ko din palang tinago yun no. Tinry kong tawagan pero di na nag riring. Sabagay ang tagal narin talaga imposible na mag ring pa. Tapos yung mga notebook ko na meron nung mga lyrics ng kanta na sinulat ko para sayo, mga thoughts ko, mga kadramahan pinunit ko na lahat, kasama yung pinunit na papel na may number at pangalan mo. Tinapon ko na lahat. 

Bakit kaya di mo ko nagustuhan no? Siguro dahil hindi ako maganda, kasi dun naman nag sisimula ang attraction di ba, sa physical aspects ng isang tao. Anyway di naman na importante kung bakit di mo ko nagustuhan kasi hindi na tayo magkikita. 

Nung mga nakaraang araw tinry kitang hanapin at araw araw kong tinatawagan yung dati mong number at nag text pa ko. Alam ko naman di ka mag rereply. Tinry din kita ireach out sa email pero wala rin naman sagot. Bakit ba iwas na iwas ka sakin hahahaha nakakatakot ba ko. Alam mo, mahiyain akong tao at nahihirapan ako makipagfriends pero sayo nilakasan ko talaga loob ko.

Feeling ko kasi iniiwasan mo ko dati kaya nagpakalasing ako noon. Pano kaya kung di nalang ako nagpakalasing. Pano kung di kita tinawagan at umamin sayo. I mean obvious naman na gusto kita kasi ang kulit ko di ba pero siguro di mo lang trip yung mga katulad ko na masyadong nakalimutan ko ang term siguro ipapalit ko nalang yung term na malandi hahaha medyo malapit pero mas matindi kasi yung term na iniisip ko na gusto ko gamitin as description ko.

Isa tong blog na to sa nakatulong sakin dati na mailabas yung nararamdaman ko na lungkot. Mahilig talaga akong mag diary dati pa pero mas mabilis kasi pag type kesa magsulat. Hardcore ako mag diary dati kasi per day ko 3 pages ang nasusulat ko kasi simula pag gising ko lahat ng detalye sinusulat ko hehe so yun sayang sana shinare ko sayo yung about din sakin at hindi yung puro ako lang yung nakinig ng tungkol sayo.

Nasan ka na kaya ngayon? Buhay ka pa ba? Hindi ko parin nakakalimutan mukha mo. Ang weird. Wala na yung mga nakaw pictures ko dito sa blog na to kasi dinelete ko sya sa phone ko para makamove on dati at pagdelete ko nawala na din dito sa blog ko.

Buhay ka pa ba JC? Nakasurvive ka ba sa pandemic? Andito ka pa ba sa Pilipinas o nasa ibang bansa ka na?

Nag asawa ka na ba? May mga anak ka na ba? O ikakasal ka palang...

Sana mabasa mo to para malaman mo na gusto kitang kamustahin. Kwentuhan tayo minsan. 8 years din. Kahit di tayo naging close which is sayang.. i dont know JC.

Gusto lang kitang makakwentuhan ulit. Makinig sa mga kwento mo. 

Matagal na kong wala sa call center and im aiming to be part of the art/design industry soon pero naiisip ko na bumalik at magbakasali na makita ka ulit. Kakausapin mo na ba ako this time? Pero long shot talaga. Long shot nga ba talaga? Parang mas appropriate yung suntok sa buwan. 

Habang tinatype ko tong blog entry na to nakikinig ako on repeat dun sa kanta na kinopy paste ko sa taas.

Kung may access ka pa sa gmail mo dati, nag message ako sayo. Kung ok lang sayo na kinakamusta kita, andun lang ako one email away...

Minsan kape tayo.


Hoping to see you again, JC. :)