Saturday, January 18, 2014

Kimi Ga Iru Kara~

I feel alive!

Yes, I am!

Konti nalang susuko na ko..

Pero buti at sinubukan ko parin..

So ano nga bang nangyari?

Ngayon nalang ako ulit ngumiti ng ganito

At daig ko pa pakiramdam ng nanalo sa lotto

O sabihin na natin na ganito siguro ang pakiramdam ng manalo sa lotto?

January 17, 2014 Friday



Nakatambay ulit ako kila Meg after shift..

Morning shift na kami parehas..

Kwentuhan and foodtrip..

Dapat today, Saturday balak namin pumunta kila Jc..

Actually kahapon (January 17)

Gusto ko sanang pumunta dun kahit na di ko alam kung makikita ko ba sya..

Balak ko na nga syang kidnapin..

Pero hindi naman literal na kidnap..

Dadalhin namin sasakyan ni Ace

Punta ng Ugong

Pag nakita namin sya, kakausapin sya ni Meg

Papapuntahin sa sasakyan

Pero di nya alam na andun ako

Tapos ipapasok namin sya sa sasakyan sabay alis

Magpapakalayo kami para kausapin nya ko

Pero syempre hindi nangyari yun

At takot din naman ako na gawin yun

Lalo syang maiirita sakin pag ginawa ko yun

Anyway may maganda namang nangyari last night...

Nagpunta si Carl kila Meg, sino si Carl? Wala isang jerk lang..

Anyway, before dumating si Carl

Sinasabihan na ko ni Meg na mag load at tawagan si Jc.. Pero nagtxt nalang ako sa kanya.. Sabi ko, isang buwan na.. Galit parin ba sya? Pero walang reply..



Try lang naman daw



Baka sakaling kausapin na nya ko..

Pero ayoko dahil nga sa alam ko na marinig palang nya pangalan ko sigurado ibababa na nya agad yung phone..

Pero nagawa ko parin..
Grabeng kaba ko..
Yung tibok ng puso ko naririnig ko na..
Nanlalamig na mga kamay ko..
Hindi ko alam kung sasagutin nya phone
At lalong di ko alam kung anong mangyayari sa tawag ko..
Nakakapit pa ko sa braso ni Meg..

Parang di pa ko nakahinga ng sagutin nya phone..
Parang nakalimutan ko bigla yung purpose ng tawag ko..
Nablangko ako bigla
Pero buti nakapagsalita ako..

After a long while narinig ko rin boses nya.. Boses ni Jc..

Mga nakailang hello din sya.. Hello din sagot ko.. Parang kunwari static yung phone kahit naririnig ko naman sya ng malinaw..

Nung nag hello ako at nag hello sya sinabi ko agad to:

"uy pwede bang wag mo naman akong bababaan ng phone.. alam ko naman na di ka bastos.."

Tapos may moment of silence pa..

Akala ko binabaan na naman nya ko..
Pero hindi naman.. Nasense ko naman na mukhang makikinig sya sa sasabihin ko..

Sinabi ko na agad..

"Sorry..."

Ok na daw yun..
Sabi ko pa, promise?

Ok na daw.. Ok na daw..

Tinanong ko pa, "Galit ka parin ba?"

Ok na daw..

Ramdam ko naman na mukhang napilitan sya pero mas gusto ko ng manggaling sa kanya mismo na ok na nga.. Syempre sinabi na nya na ok na kaya sana ok na nga..

Tapos binati ko sya ng advance happy birthday..

Nag thank you sya at sinabi kong youre welcome..

And with that said, nag paalam narin ako..

Nang binaba ko yung phone grabeng tuwa ko at ang saya saya ko napakatagal kong hindi ngumiti ng ganito kaya napakasaya ko.. Pakiramdam ko nabawi lahat ng lungkot ko simula ng mangyari yung ginawa ko.. Kinoconsider ko to as third chance.. Nagamit ko na yung second chance ko dati na makilala sya.. Ngayon third chance na.. Ayoko ng pakawalan kaya di ko na sya masyadong kukulitin.. At least kahit papano may pag asa na ulit akong magkaroon ng communication sa kanya.. Maraming salamat.. Konti nalang susuko na talaga ako.. Pero hindi mo talaga masasabi kung kelan matatapos lahat ng lungkot.. Napakasaya ko talaga.. Hindi ko maexplain.. Pero masayang masaya ako.. Sana makita ko na din sya.. Sana makalimutan na nya lahat yun.. At sana pag nagtxt ako kausapin nya pa din ako.. Sana nga.. Thank you! Thank you!

No comments:

Post a Comment