Sunday, January 12, 2014

Im waiting for the day that I will find my way to you...

Late post..
May ginawa na naman kasi akong kabaliwan...
Nung January 4, 2014 Saturday...
Hindi ko na din alam kung bat ba baliw na baliw ako ng sobra para lang makausap sya..
Eh ayaw nga nya kong kausapin
Ni marinig pa nga lang pangalan ko ayaw na nya...
Tangina lang di ba?
Putangina lang talaga...
Hindi ko na alam anong mararamdaman ko sa sarili ko
Malulungkot ba ko
Magagalit
Maiirita
Maaawa...

Gusto ko na din palitan ng background music tong blog na to
Punyeta. 
So ano nga bang ginawa ko nung January 4?
Ano pa ba?
Nagpunta ng putang inang Pasig, sa Ugong. San pa ba?
Nagbakasakali na makita sya at makausap...
Nakakapagod palang maghanap ng taong ayaw magpakita
Ang dami ko ng napagtanungan pero walang nakakakilala sa kanya...
At ang laki ng Ugong, pota.

Galing pa ko ng office nun dahil night shift pa ko nun
Dumerecho agad sa kanya pahinga lang ng konte kila Meg
Kasama ko si Meg na naghanap
Tinawagan pa namin
Pero ayaw makipagusap
Nakausap naman sya ni Meg pero nung marinig nya na gusto ko syang makausap
Binaba na nya agad yung phone
Alam ko binabastos na nya kami pero sige pa din ako
Punyeta.
Gusto ko lang makipag-ayos sa kanya pero ayaw nya
Naiyak na din ako dahil sa sama ng loob ko...
Although yung mga nakausap ko sinabi na baka sa Purok 1 o 3 sya nakatira
Hindi narin kami tumuloy dahil hapon na din at pagod na din kami...

Ngayong week na to sabi sakin ni Meg tawagan ko daw at puntahan namin
Pero mukhang suko na talaga ko...
Last txt ko kay Jc
Maawa naman sya, pero hindi parin nakaramdam

Parang ang manhid nyang tao
Ano ba naman pakelam nya sakin?
Hindi naman nya ko kaano ano...
Pero sana kahit maging nice man lang sya bilang tao at kausapin ako
Hirap na din ako pero hindi parin ako sumusuko
Ayokong sumuko
Ayokong isipin nya na hindi ako seryoso na makipag-ayos sa kanya
Sinabi ko din kay Jc nasuko na ko

Ngayon plano ko syang bigyan ng cake kasi Birthday na nya sa January 21...
Gusto ko sana yung may ganja pa...
Kasi sabi ni Meg jologs daw pag yung normal na cake
Pero kung may ganja baka sakaling kainin nya
Kung yung normal baka isampal pa nya sa mukha ko
O baka ipakain nya sa aso...
Hindi naman malabong mangyari yun kasi ayaw na ayaw nya sakin...
Nasasaktan akong isipin na dahil sa isang pagkakamali ko na pwede namang intindihin
Na pwede naman sanang palampasin
Naging ganito lahat...
Ayaw nya kong kausapin hanggang ngayon...
Mag iisang buwan na...

Tantanan ko na daw
Pero parang di ko kaya hanggat di ko sya nakakausap...
Hanggat di nya sinasabi sa pagmumukha ko na tumigil na ko...

Bakit nga ba hindi nalang nya sabihin na ayaw nyang makipag-ayos?
Mahirap bang itype yun?
Pag tinawagan ko sya binababa nya
Bat di nalang nya sabihin over the phone?
Mababawasan ba sya pag ginawa nya yun?

Kaninang umaga nanaginip ako...
Tinawagan ko na daw sya...
At sinabi ko agad na wag nyang ibaba telepono at alam kong hindi naman sya bastos...
Pero hanggang sa panaginip hindi ko sya makausap...
Nung isang araw napanaginipan ko din sya...
Sa may Gateway Cubao
Nakita ko ulit sya
Normal lang...
Pinakita pa nya yung ibang tattoo nya
Pero alam ko isa lang tattoo nya sa binti
Tapos magkaholiding hands pa daw kami na naglalakad...

Masaya na ko kausapin nya lang ako
Malaman ko lang kung ayaw nya bang makipag-ayos...
Pero mas ok sana kung maging friends parin kami...

Last friday night 
Nag message ako sa facebook nya kahit alam ko na mukhang di na nya ginagamit yun
Kahit na alam kong sa others messages lang mapupunta yun
At least malalaman ko kung nabasa na nya gusto kong sabihin...
Abutin man ng next year at least nalaman ko...

Sana this week makita ko na sya...
At sana kausapin na nya ko...

No comments:

Post a Comment